Read in English

Hindi ko alam gagawin ko sa buhay.

Kapag hindi mo alam kung saan papunta ang buhay mo, o parang walang laman ang loob mo, mahirap malaman kung saan magsisimula. Puwede kang magsimula sa maliit, ngayon.

Kung kasama ng pakiramdam na ito ang pag-iisip na tapusin na ang buhay mo, kausapin mo ang isang tao ngayon.

Tumawag ngayon sa NCMH Crisis Hotline, bukas 24/7: 1553 o 0917 899 8727. Kung nasa panganib ka ngayon, tumawag sa 911.

Magsimula sa maliit

Isang maliit na bagay para sa araw na ito

Pumili ng isang bagay na kaya mong tapusin sa loob ng 10 minuto, tulad ng maligo, kumain, o lumabas sandali. Sapat na iyon ngayong araw.

Pumili ng isang taong pinagkakatiwalaan mo at i-send ito. Puwede mong ikuwento ang iba kapag nag-usap na kayo.

Hi, puwede ba tayong mag-usap ngayong linggo? Medyo mabigat lang ako lately.

Kailan dapat humingi ng tulong

Normal ang maligaw paminsan-minsan, lalo na sa malalaking pagbabago gaya ng pagtatapos sa pag-aaral, bagong trabaho o hiwalayan. Kausapin ang doktor o counselor kung dalawang linggo o higit pa:

  • halos buong araw mong nararamdaman na walang laman ang loob mo
  • wala ka nang gana sa halos lahat
  • sobra o kulang ang tulog o kain mo
  • hirap ka nang makaraos sa trabaho, pag-aaral o bahay

Puwedeng senyales ito ng depression, na nagagamot. May mas mahabang paliwanag sa page namin tungkol sa depression.

Isang paraan para magsimula

Isulat ang tatlong bagay na naging mahalaga sa iyo, kahit maliit: isang tao, isang lugar, o isang bagay na dati mong gusto. Pumili ng isa at gumawa ng isang maliit na hakbang para dito ngayong linggo.

Mga madalas itanong

Bakit parang walang laman ang loob ko?

Puwedeng galing ito sa stress, pag-iisa, malaking pagkawala o pagbabago, o depression. Kung dalawang linggo na o higit pa, o wala ka nang gana sa halos lahat, kausapin ang isang doktor o counselor.

Ano ang susunod?

Basahin din: Depressed ako Pagod na ako

Mga pinagkunan: WHO: Depressive disorder (depression)